kabig
kamusta, sorry, i love you, tatawag ako mamaya,
mabuti, ok lang yun, i love you too, maghihintay ako,
ang mahal naman!, ang sarap!, virgin ka pa ba?
mura lang yan!, syempre!, ikaw ang nauna.
paulit-ulit sinasambit, kung saan saan,
kung dumulas sa dila tila kay daling panindigan.
ilang ulit sa takbo ng isang buhay mapapako
ang pangakong binabawi ng bungangang mapagbiro?