Typical, This Evolution
dalawang tula, isang kwento…
LOVER
Flagrant foul and failure I tucked under my belt.
Took comfort from the saying,
"Ain’t no way but up from here…"
Was happy with the ashes
And what I can’t see in the dark
Pain transfigured after all,
Is what some people call art.
But suddenly I am blinded
by a burst of light
like the birth of a new star
in the galaxy of my soul
and these words are gushing out
like a monsoon’s waterfall
and I’m flustered and confused
because I’m blind but I could see
and I hear and feel and smell the world
so suddenly
it hurts my eyes and ears and fucking makes me gag.
I can’t help it, I’m the victim of a curse
that raised me to the heavens
in one great cosmic burst
and there’s a word I refused to say,
I never had the privelege,
and I hardly can believe,
that now it is my heritage.
Lover lover lover lover
Lover lover you
Lover lover lover lover
Lover lover you.
SABI KO, SABI MO
Sabi ko malakas ako kasi kaya kong pulutin ang sarili ko.
Sabi mo mahina ako kasi hindi naman ako dapat nadadapa.
Sabi ko ang saya natin noon, mula araw hanggang gabi.
Sabi mo, akala ko lang yun, pasensyoso ka lang kasi.
Sabi ko okey naman ako, malayo na ang narating, malaki na ang pinagbago.
Sabi mo tumingin ako sa salamin, magpakatotoo.
Siguro nga tama ka.
Ang problema dun, ibig sabihin mali ako.
Iba ba ang ating mundo?
Saan ko ngayon ilalagay ang mga alaala
Ng mga umagang gumising ka at sa pagmulat ng iyong mga mata
Nagpasalamat ka sa sanlibutan dahil ako’y nasa iyong tabi?
Ng iyong mga bukambibig na sa aking pag-ibig ay bumubuti kang tao?
At sana’y hindi man ikaw ang una, ikaw na ang huli?
Sabi mo wala ka pang minahal tulad ko,
Na kung hindi ako para sa iyo, sino?
Iba na ang iyong mundo.
Kasi, sabi mo, ngayon wala nang lahat iyon.
Kasi, sabi mo, gusto mong makahanap ng iba, yung hindi ako.
Kasi, sabi mo, ang pag-ibig ko ay asido
At sa halip na maghilom ay lalong lumubha ang mga sugat na matagal mo nang dala,
At ayaw mong mahawa sa aking mga sakit at kahinaan.
Kaya sabi mo, ayusin ko ang sarili ko
Kasi hindi mo kayang dalhin ang aking bigat
At hindi mo kayang irespeto ang isang tao na hindi buo at may lamat,
Tulad ko.
Oo na, tama ka.
Ibig sabihin, mali ako.
Anong nangyari sa mundo?